Lunes, Abril 25, 2011

Mission Accomplished: Avilon Zoo!

At last, first post ko!

Matagal ko ng gustong puntahan ang Avilon Zoo sa Montalban, Rizal kaso lagi akong busy kaya nung wala akong magawa at mapuntahan nitong nakaraang Holy Week naisipan namin na puntahan ito.

Ang Avilon Zoo ay nasa baryo ng San Isidro, Rodriguez (dating Montalban), Rizal. Medyo malayo ito sa main road at may rough road kapag malapit na sa site. Di ko kabisado ang direction papunta dun pero para mabigyan kayo ng background pwede nyong basahin dito.

Nagbayad kami ng P300 para sa entrance fee ng bawat isa, libre na ang mga kids na 4' below :)


Ang mga ibon na lumilipad... Ay gawa ng Diyos... Di kumukupas :D





 
Pwedeng hawakan at magpa-picture sa mga ibon for P50, 2 shots own camera :D   

The smart Trixie!
Syempre, pwede din magpa-picture kay Trixie for P50, 2 shots own camera

Orangutan ba ito or Gorilla? @_@
 All in all, pwedeng libutin ang Avilon Zoo ng 2 - 2 1/2 hours :D